Nag-simula na ang ikatlong state of emergency sa kapitolyo ng Japan at tatlo pang western prefecture ng bansa dahil sa patuloy na pag-taas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus infection.
Ang deklarasyon ay mag-tatagal lamang ng dalawang linggo hanggang ika-11 ng Mayo sa Tokyo, Osaka at Kyoto.
Ang arawang bilang ng kaso sa mga prepekturang nabanggit ay patuloy na tumataas. Nag-tala ng mataas na bilang ang Tokyo nuong Sabado mula nuong natapos ang ikalawang state of emergency. Nag-rehistro ng mahigit sa 1,000 kaso ang Osaka sa loob ng limang buong araw. Ang impeksyon ay tumaas rin sa Hyogo at Kyoto.
Ang pamahalaan ay nag-plano na gumawa ng hakbang mula sa patuloy na pag-taas ng variant infection sa loob ng napaka-ikling panahon sa pamamagitan ng mahigpit na restriksyon sa darating na mahabang bakasyon.
Ang mga bars at restaurants na nag-bebenta ng alak o nag-aalok ng karaoke ay pina-payuhan na pansamantalang isara ang mga ito. Ang parehong paki-usap rin ang sinasabi sa mga malalaking commercial facilities tulad ng malls at department stores.
Pinakiki-usapan rin ng pamahalaan ang mga tao sa mga hindi naman esensyal na pag-labas, at pamamasyal at bumyahe papunta at pabaliksa mga lugar na kung saan tumataas ang bilang ng impeksyon.
Ito rin ay ang pag-sabi sa mga employers na pag-trabahuhin nila ang kanilang mga tao mula sa kanilang mga tahana at enganyuhin sila na mag-leave during the holiday period, upang ang bilang ng mga commuters ay mabawasan ng 70 porsyento.
Ang unang deklarasyon na inisyu nuong last April, ay nag-take effect sa loob ng isang buwan mahit bago pa ito mai-taas sa lahat ng mga prepektura. Ang ikalawa namang deklarasyon ay inisyu nuong Enero nitong taon na nag-tagal ng mahigit dalawa at kalahating buwan.
May ilang mga eksperto na nag-sasabi na ang dalawang linggong palugit ay napaka-ikling ma-evaluate kung gaano ba ka-epiktibo ang isinagawang hakbang. Sinusuri ngayon ng pamahalaan kung ang hakbang na isinagawa ay maaari bang mapigilan ang patuloy na pag-dami ng impeksyon hanggang sa muling maitaas ang deklarasyon sa maikling panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation