Nag-marka ng mataas na datos ng kaso ng coronavirus sa Osaka

Dinagdag pa ni Yosimura na ang bed occupancy rate ay malapit nang umabot sa 70 porsyento. At kung ito ay mangyayari, ang prepektura ay mapipilitang mag-deklara ng medical emergency.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNag-marka ng mataas na datos ng kaso ng coronavirus sa Osaka

 

Muling pinag-sisikap ng Japan na harapin ang muling pag-kalat ng coronavirus, matapos mag-implementa ng mas mahigpit na hakbang ang tatlong prepektura na malubhang tinamaan ng pandemiya.

Ayon sa isang GPS data, mas marami nang tao sa Osaka na nananatili sa kanilang mga tahanan. Ngunit patuloy pa rin ang pag-uulat ng mga opisyal rito sa mataas na bilang ng kaso sa buong nasyon. Nag-tala ng 719 na mga bagong kaso nito Martes lamang, na siyang bumali sa arawang datos.

Sinabi ni Governor Yoshimura Hirofumi sa mga reporters na “Ang bilang ng mga kaso at mga tao ay nasa kritikal na kondisyon na at pinaniniwalaan ko na ang kakulangan ng mga higaan sa mga ospital ay nasa malalang level na.”

Dinagdag pa ni Yosimura na ang bed occupancy rate ay malapit nang umabot sa 70 porsyento. At kung ito ay mangyayari, ang prepektura ay mapipilitang mag-deklara ng medical emergency.

Nitong Martes lamang nag-ulat ng mahigit 2,600 na bagong kaso ng coronavirus sa buong Japan at kabilang rito ay ang 399 na kaso sa Tokyo.

Si Nishimura Yasutoshi, ang ministrong namumuno sa coronavirus response ay nag-sabi na kinakailangan ng pamahalaan na magsa-gawa ng mahigpit na hakbang sa mga lugar tulad ng Tokyo, Kyoto at Okinawa kung saan matataas ang nai-talang mga kaso. Sinabi pa nito na “Tayo ay nasa high alert dahil patuloy na kuma-kalat ang impeksyon sa buong bansa. Plano naming unahin ang preventive measure sa isang flexible na manner.”

Wala pa sa isang porsyento ng papulasyon ng Japan ang nabakunahan. Naka-talagang umpisan ng japan ang pag-babakuna sa mga naka-tatanda sa susunod na linggo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund