Nag-deklara na ng medical red alert ang Osaka

Mahigit 3,500 na bagong kaso ang nakumpirma sa buong bansa nitong Miyerkules lamang.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNag-deklara na ng medical red alert ang Osaka

 

Nag-deklara na ng medical “red alert ” ang prepektura ng Osaka at nag- ulat ng 878 na bagong mga kaso ng coronavirus infection nitong Miyerkules. Mas mataas na ang arawang bilang ng mga may sakit sa Osaka kumpara sa Tokyo mahigit isang linggo na.

Nagbigay ng pahayag si Osaka Governor Yoshimura Hirofumi, “Kami ay nag-dedeklara ng medical state of emergency dahil ang medical system ay kasalukuyang humaharap sa isang mahirap na sitwasyon.”

Nahihirapan mag-bigay ng mga kama o lugar ang mga ospital sa Osaka dahil sa biglaang pag-dami ng mga pasyente ng coronavirus. Maaaring lumagpas ng 70 porsyento ang pangangailangan ng mga kama ng mga pasenteng may malubhang sintomas.

Isang opisyal sa Osaka Prefecture ang nag-sabi na “Mabilis na nauukupa ang mga higaan sa mga ospital. Ang virus ay pumasok na sa ibang phase at ito ay kumakalat sa mga tao ano mang ang kanilang edad.”

Naa-alarma si Governor Yoshimura sa pag-kalat ng bagong uri ng virus. Ang lungsod ng Osaka ay nasa-ilalim ng isang mahipit na hakbang laban sa coronavirus. Muling makiki-usap ang mga opisyales at awtoridad nang buong prepektura ng Osaka sa mga naninirahan rito na, huwag lumabas kung hindi naman importante.

Sinabi rin ni Yoshimura na kakanselahin niya ang Olympic Torch Relay sa mga pang-publikong kalsada sa prepektura sa susunod na linggo.

Ang katabi nitong prepektura ng Hyogo, na sumasa-ilalim rin sa kaparehong mahigpit na hakbang laban sa impeksyon tulad sa Osaka, sila ay nag-kumpirma ng 300 na bilang ng kaso.

Ang Tokyo ay nag-tala ng bagong 555 na kaso. Ang bilang na ito ay pinaka-mataas mula nang alisin ang state of emergency nuong nakaraang buwan.

Ayon kay Tokyo Governor Koike Yuriko, nag-kukunsidera siya na mag-request ng karagdagang hakbang sa sentrong pamahalaan upang gawin sa kapitolyo.

Sinabi ni Koike na, “Dapat natin isa-alalng alang na tayo ay humaharap sa isang mahirap na sitwasyon dahil tumaas na sa mahigit 400 na impeksyon ang nai-tala sa Tokyo sa loob ng isang linggo.”

Mahigit 3,500 na bagong kaso ang nakumpirma sa buong bansa nitong Miyerkules lamang. Ang daily total sa Japan ay namuno sa bilang na 3,000 sa kauna-unahan pagkakataon mula nuong katapusan ng Enero.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund