Maraming malalaking commercial facilities sa Tokyo at Osaka ang naka-sara nuong Linggo, bilang pag-sunod sa ikatlong state of emergency ng Japan.
Dineklara na ng pamahalaan ng Japan ang emergency para sa Kapitolyo, mga western prepektura tulad ng Osaka at Hyogo. Ito ay matatapos hanggang sa ika-11 ng Mayo.
Ang mga commercial facilities na mayroong floor space ng mayroong mahigit na 1,000 square meter tulad nang mga department stores, shopping centers at movie theaters, ay pansamantalang ipapa-sara, ngunit ito ay may eksepsyon sa mga lugar na nag-bebenta ng pang-araw araw na pangangailangan.
Ang mga Department stores sa Ginza Tokyo ay naka-sara nitong Linggo, maliban lamang sa floors kung saan nag-bebenta ng pag-kain, cosmetic at ilan pang mga kagamitan.
At sa Matsuya Ginza, kakaunting section lamang ang bukas, ngunit sa maikling oras lamang. Nakitang nagsi-datingan na ang mga costumer sa food floor nang ito ay mag-bukas bandang alas-11 ng umaga.
Sa Osaka, kakaunting tao lamang ang nakita sa maabalang distrito ng Umeda.
Isang estudyante mula sa prepektura ng Hyogo ang nag-sabi na siya ay bumalik sa Osaka upang dumalo sa University`s guidance counceling. Sinabi niya na nais niyang ma-enjoy ang shopping, ngunit ito ay imposible ngayon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation