Kinumpirma na ng Tokyo at ang katabi nitong prepektura ang pinaka-mataas na bilang ng mga bagong kaso ng impeksyon ng coronavirus matapos alisin ang ikalawang state of emergency nuong nakaraang buwan.
Nakapag-ulat ng bagong 759 na kaso ang Kapitolyo nuong Sabado. Ayon sa isang opisyal, ang galaw ng pag-kalat ng impeksyon ay tumataas.
Ang mga mamamayan na namumuhay sa mas mahigpit na anti-coronavirus measures sa harap ng kasalukuyang pag-taas ng bilang ng mga kaso ng mga nahawa ng impeksyon. Masigasig naman na kontrolin ng mga opisyal ang daloy ng trapiko, na isa sa tinitingnan dahilan ng pagkalat ng impeksyon.
Ang western prefecture ng Osaka ay siyang nakikitaan ng pinaka-mataas na arawang pagka-hawa ng impeksyon sa buong bansa. Ito ay nag-ulat ng 1,161 ng mga bagong kaso nitong Sabado, lagpas 1,000 bilang sa loob ng limang araw.
Ang pag-babakuna sa mga nakatatanda ay nag-simula na sa Japan nitong Lunes. Ang iba ay magpapa-bakuna ngayong weekend.
Ang priority vaccination para sa mga health care staff ay nag-simula nuong Pebrero. Ngunit mabagal ang progreso.
Habang mahigit 4.8 milyong mang-gagawa ay ini-estima na maging karapat-dapat ma-bakunahan, 14 porsyento pa lamang ang naka-kumpleto ng 2 bakuna sa kasalukuyan.
Ayon sa pahayag ng health ministry, sa first half ng Mayo, inaasahan nila na maibigay ang 2 doses ng bakuna sa mga taong dapat mabakunahan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation