Malubhang aksidente sangkot ang sasakyan ng Tesla, walang driver

Nag-pahayag ang CEO ng Tesla sa si Elon Musk sa isang tweet nitong Lunes, na ang mga data logs na na-recover mula sa insidente ay nagpapa-kita na "Hindi naka-enable ang Autopilot ng sasakyan," at ang kotse ay hindi equipped ng "Full-Self Driving" system ng kumpanya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMalubhang aksidente sangkot ang sasakyan ng Tesla, walang driver

 

 

Naniniwala ang mga pulis ng US State of Texas na walang nagda-drive ng kotseng Tesla na mayroong semi-autonomous driving system na naaksidente sa isang kalsada at bumangga malapit sa Houston. Dalawang pasahero ang namatay sa aksidente.

Ang aksidente ay nangyari nuong Sabado nang hindi lumiko ang kotse ay bumangga sa isang puno. Ang sasakyan ay biglang umapoy.

Isang lalaki ang natagpuang patay sa front passenger seat habang may isa pang labi ng isang lalaki ang natagpuan sa likod na upuan. Ayon sa isang senior police official, wala umanong tao nagda-drive sa kotse nang ito ay bumangga.

Ayon sa Department of Transportation, nag-sisimula na nuong Lunes na imbestigahan ng mga special investigators ang kaso upang malaman ang mga detalye ukol sa insidente.

Ang Tesla Model S ang nasangkot na sasakyan sa insidente na siyang equipped ng semi-autonomous driving system. Tinatawag ito na “Autopilot”.

Nag-pahayag ang CEO ng Tesla sa si Elon Musk sa isang tweet nitong Lunes, na ang mga data logs na na-recover mula sa insidente ay nagpapa-kita na “Hindi naka-enable ang Autopilot ng sasakyan,” at ang kotse ay hindi equipped ng “Full-Self Driving” system ng kumpanya.

Subalit, may ilang cosumer groups na nakikipag-argumento na ang Autopilot ng Tesla ay nag-bibigya nang impresyon na ang sistema ng sasakyan ay hindi kinakailangan ng interaksyon ng driver.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund