FUKUOKA (TR) – Inaresto ng mga Fukuoka Prefectural Police ang isang 32 anyos na lalaki dahil umano sa malubhang pananaksak nito sa kanyang misis sa kanilang tahanan sa Kitakyushu City, mula sa ulat ng TBS News (April 12).
Bago sumapit ang ika-7 ng umaga nuong Lunes, si Kasumi Okamura, isang company employee ay inalerto ang emergency services. “Sinaksak ko ang aking asawa.” pag-uulat nito. “Gumamit ako ng kutsilyo ay nilaslas ang leeg ng aking misis.”
Natagpuan ng mga pulis na rumisponde sa tawag ang ginang (32 anyos) na naka-handusay patihaya sa loob ng kanilang residente sa Yahatanishi Ward.
Ayon sa mga pulis, ang babae na nag-tamo ng ilang tama sa leeg ay kinumpirmang namatay sa lugar ng insidente.
Dinagdag pa ng mga pulis, umamin si Okamura sa mga alegasyon laban sa kanya nang ito ay inaresto.
Ayon pa sa mga pulis, ang mag-asawa ay may dalawang anak na lalaki, isang 1 taong gulang at 3 taong gulang. Wala alin man sa dalawa ang nasugatan o nasaktan sa nangyaring insidente.
Ang mag-asawa ay walang kasaysayan ng problema o pang-aabuso, kasalukuyang ini-imbestigahan ng mga pulis kung ano ang naging ugat na nauwi sa isang karumaldumal na krimen.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation