Ang major Japanese retailer Aeon ay nag-pahayag na ito ay mag-aalok ng isang beses na allowance sa mga empleyado ng grupo at mga part-timers nito sa Japan at overseas upang gantipalaan ang kanilang pag-tatrabaho kahit sa gitna ng coronavirus pandemic.
Plano ng kumpanya na mag-bigay ng isang lapad hanggang dalawang lapad o 93 dollars at 186 dollars sa bawat isa sa 450,000 na trabahador.
Ang pag-bibigay nito ay aasahang aabot sa 6 na bilyong yen o 56 milyong dolyares.
Sinabi ng Aeon na ang kanilang mga manggagawa ay nag-dadala ng pangamba dahil sila ay humaharap sa dumaraming bilang ng kostumer habang ay nag-sasagawa ng hakbang upang maka-iwas sa pagka-hawa ng impeksyon.
Ang mga supermarket ay nakikita ang pag-taas ng pangangailangan sa pagkain at iba pang mga necessities, habang ang mga tao ay napipilitang manatili sa kanilang mga tahanan dahil sa takot sa lumalalang pandemiya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation