Isang senior official ng Imperial Household Agency ng Japan ay nag-siwalat kung ano ang naging reaksyon ni Crown Prince Akishino ay nang kanyang pamilya sa inilathalang dokumento ni Komuro Kei. Si Komuro ay mae-engage sa panganay na anak na babae ng crown prince na si Princess Mako.
Si Kachi Takaharu ay ang pinunong opisyal na naka-talaga sa pamilya ng crown prince. Siya ay nag-salita sa isang regular na news conference nuong Friday. Nuong Huwebes, nag-labas ng dokumento si Komuro, kung saan ini-labas niya at ipinaliwanag nito nang naka-detalye ang pinansiyal na isyu ng kanyang ina at ang dati nitong fiance.
Sinabi ni Kachi na naintindihan naman nila Crown Prince at Princess Akishino na nag-sumikap naman si Komuro na linisin ang ginawang hakbang ng pamilya Komuro upang malutas ang nasabing isyu.
Sinabi ni Kachi na komunsulta muna si Princess Mako sa pamilya Komuro kung paano nila dapat harapin ang isyu matapos ito ay lumabas sa media kasabay ng pag-lalantad ng dokumento.
Sinabi ni Kachi na narinig niya na ang opinyon ng Prinsesa ay naka-antabay sa desisyon ng pamilya Komuro at kung paano nila reresolbahin ang isyu. Ito ay sa pamamagitan nang pakikipag-usap sa dating fiance ng ina nito at makuha ang pang-unawa nito, kaysa sa pag-bibigay lamang ng pera dito nang hindi na nakipag-usap.
Sinabi ng isang opisyal ng ahensya na ikasi-siya ni Princess Mako na kung ang mga taong naka-uunawa sa pag-basa ng dokumento, na ito ay nagkaroon ng mga komplikasyon na may-kinalaman sa isyu.
At para naman sa ipinag-palibang kasal ng ni Kachi at ng Prinsesa, naniniwala si Kachi na ang desisyon ay ilalabas at ipaliliwanag rin sa tamang oras at panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation