Kakaunting tao na lamang ang namamataan, matapos mag-simula ang restrictions

Ang pag-hihigpit sa mga oras ng negosyo ay sinimulan na nuong Lunes sa mga prepektura ng Osaka at Hyogo, pati na rin sa Miyagi.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKakaunting tao na lamang ang namamataan, matapos mag-simula ang restrictions

 

 

Ipinakita sa datos ng mobile phones na kakaunti tao lamang ang lumabas nuong Lunes ng gabi sa isang popular na lugar sa tatlong prepektura kung saan mahigpit na ipinatupad ang restriksyon upang maiwasan ang pag-kalat ng coronavirus.

Ang pag-hihigpit sa mga oras ng negosyo ay sinimulan na nuong Lunes sa mga prepektura ng Osaka at Hyogo, pati na rin sa Miyagi.

Ina-analyze ng NHK ang malaking datos ng kakilosan ng mga tao sa mga pagitan ng oras ng alas-9:00 ng gabi at alas-10:00 ng gabi na kinulekta mula sa mobile carrier na NTT Docomo.

Ang bilang ng mga tao sa Sannomiya sa lungsod ng Kobe, prepektura ng Hyogo ay bumaba ng 22 porsyento mula nuong nakaraang linggo.. Ito ay mas mababa sa 18 porsyento mula sa normal na bilang tuwing Lunes nitong buwan ng Marso.

Ang bilang ng mga indibidwal na tao malapit sa Shinsaibashi sa lungsod ng Osaka ay bumaba ng 17 porsyento mula nuong nakaraang linggo, at 14 porsyento nuong nakaraang buwan.

Ang bilang ng mga tao malapit sa Kokubuncho sa lungsod ng Sendai, prepektura ng Miyagi ay bumaba sa 7 porsyento mula nuong nakaraang linggo at 14 porsyento mula nuong nakaraang buwan.

Samantalang ang bilang ng mga tao sa kabukicho sa Shinjuku Ward sa Tokyo ay bumaba ng 6 ng porsyento mula nuong nakaraang linggo, ngunit tumaas ng 9 na porsyento mula nuong nakaraang buwan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund