Japan at Pilipinas, mag-uusap tungkol sa mga alalahanin sa bansang Tsina

Nagka-isa sina Motegi at Locsin na pag-tibayin at mag-tulungan ang kani-kanialng bansa upang ma-panatili ang malaya at bukas na maritime order base sa pamantayan ng batas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang foreign ministers ng Japan at Pilipinas ay nag-usap ukol sa seryosong alalahanin na kanilang pinag-sasaluhan tungkol sa mga kakaibang pag-subok ng China na pwersahang mapalitan ang status quo sa East at South China Sea.

Ang Japanese Foreign Minister na si Motegi Toshimitsu at ang counterpart nitong si Teodoro Locsin ay nag-usap sa pamamagitan ng pag-tawag sa telepono na tumagal ng 25 minutos nuong Martes.

Nabanggit ni Motegi na ang ilang galaw ng China, tulad nang pag-papatupad ng mga bagong batas na isina-gawa ng Beijing na pag-payag sa pag-gamit ng armas ng mga coast guards.

Nagka-isa sina Motegi at Locsin na pag-tibayin at mag-tulungan ang kani-kanialng bansa upang ma-panatili ang malaya at bukas na maritime order base sa pamantayan ng batas.

Pinag-usapan rin ng mga foreign ministers ang kasalukuyang sitwasyon nagyon sa Myanmar.

Nag-pahayag si Motegi nang pag-suporta sa mga pag-sisikap na mapag-labanan ang sitwasyon, tulad ng pakikipag-pulong sa mga lider ng Association of Southeast Asian Nation na naka-skedyul sa darating na Sabado.

Nagka-sundo ang dalawang ministro na mag-tulungan upang mahinto ang mga karahasang dinaranas ng mga sibilyan sa Myanmar at upang ma-seguro pag-papalaya sa mga taong ikinulong.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund