AICHI (TR) – Inaresto ng Aichi Prefectural Police ang isang taxi driver sa pananakit umano nito sa kanyang pasaherong babae habang ito ay nakikipag-talo dahil sa breathing mask sa lungsod ng ng Ama nuong Martes.
Bandang alas-8:00 ng umaga, isang taxi na minamaneho ni Kazuaki Kusuyasu, ay kinaladkad umano ang 20 anyos na babae na isang empleyado ng isang kumpanya, hindi pa natutukoy kung gaano ka-layo ito kinaladkad, ito ay bumagsak sa kalsada habang nakikipag-talo.
Ayon sa mga pulis, ang babae ay nagka-pinsala sa kanyang kaliwang balikat na aabot sa dalawang linggo bago gumaling, mula sa ulat ng Fuji News Network (April 21).
Sa pag-aresto, inamin ng 63 anyos na si Kusuyasu ang mga alegasyon na salang pananakit laban sa kanya.
“Matapos namin mag-talo dahil sa pag-suot ng mask, Sinubukan ko na lumabas ng sasakyan at sinundan niya ako.” ani nito sa mga pulis.
“Paki-usap, mag-suot ka ng mask”
Bago pa man mangyari ang insidente, sumakay ang babae sa taxi na minamaneho ni Kusuyasu nang hindi naka-suot ng mask.
Kalaunan, matapos mag-bayad, ang babae ay bumaba mula sa taxi sa isang lugar na malapit sa kanyang tahanan sa Ama. “Sa susunod, mag-suot ka sana ng mask.” pagpapa-alala ng driver sa babae.
Sa galit, binuksan ng babae ang pinto ng sasakyan at sinusubukan na muling sumakay sa loob. Ngunit, ang kotse ay napa-andar na ni Kusuyusu, na siyang naging dahilan ng pag-subsob ng babae kalsada.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation