Isang manhunt ang isinasa-gawa matapos masaksak ang isang babaeng Thai sa Nagoya

Ang ginang, na pinagsa-saksak ng hindi bababa sa anim na beses sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan ay agad na dinala sa ospital.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI (TR) – pinag-hahanap na ng Aichi Prefectural Police ang isang lalaki matapos masaksak ang isang Thai national na babae nuong Huwebes sa Nagoya, mula sa ulat ng TBS News (April 16).

Bandang alas-2:30 ng hapon, isang ginang na pinaniniwalaang nasa edad na 40s, ang natagpuang naka-handusay at nagtamo ng saksak sa katawan sa isang apartment sa Heian Area  sa Kita Ward.

Ang ginang, na pinagsa-saksak ng hindi bababa sa anim na beses sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan ay agad na dinala sa ospital. Wala naman sa peligro ang buhay ng ginang, ani ng mga pulis.

&nbspIsang manhunt ang isinasa-gawa matapos masaksak ang isang babaeng Thai sa Nagoya
Isang babae ang sinaksak sa Nagoya nuong Huwebes. (Twitter)

Ayon sa isang witness, isang lalaki, na pinaniniwalaang nasa edad na 20s o 30s ay tumakas sa lugar ng pinangyarihan sa mga oras na natagpuan ang ginang. Ito ay naka-suot ng itim na damit.

Pinaghahanap ngayon ang lalaki at inaalam ng mga pulisya ang pagkaka-kilanlan nito dahil sa haharaping kaso na suspicion of  attempted murder.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund