Isang lalaki nanaman ang nasangkot sa insidente nang hindi pag-suot ng mask

Si Okuno ay isang no-mask crusader. Sa kanyang blog, sinasabi niya na ang pag-utos sa mga tao na mag-suot ng mask ay lumalabas sa social freedom.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang lalaki nanaman ang nasangkot sa insidente nang hindi pag-suot ng mask
Tumangging mag-suot ng mask si Junya Okuno nang humarap sa prosekyutor nuong Lunes. (Twitter)

 

 

CHIBA (TR) – isang lalaki na inaresto nang mga awtoridad dahil sa hindi pag-suot ng breathing mask ay muling naisa-kustodiya ng mga pulis, pahayag ng mga pulisiya sa TV Asahi (April 12).

Nuong ika-10 ng Abril, si Junya Okuno, 34 anyos ay sinuntok umano ang mukha ng isang pulis na rumisponde sa isang kaguluhan sa isang barr sa Tateyama City.

Ang sanhi ng kaguluhan ay sa kadahilanang hindi pag-suot ni Okuno ng mask. “Hindi ako nag-susuot ng mask!” ani nito.

Kalaunan, siya ang huli ay naaresto sa hinalang pang-aabala nito sa tungkulin ng isang public servant. Tumanggi siyang mag-bigay ng pahayag ukol sa nasabing insidente, pahayag ng Tateyama Police Station.

Si Okuno, walang trabaho, ay iniharap sa prosekyutor nuong Lunes. Ito ay hindi pa rin naka-suot ng mask, na siyang naging dahilan ng pagka-delay ng proseso ng 30 minutos.

Ani ng mga pulis, “Ang mga nasasakdal ay kinakailangang mag-suot ng mask upang maiwasan ang pag-kalat ng impeksyon, ngunit ang mga ito ay hindi namin mapipilit.”

No-mask crusader

 

Naunang naaresto ng mga pulis si Okuno nuong Enero. Nang panahong iyun, nuong katapusan ng Septyembre siya ay pasahero na sakay ng isang Peach flight na kinakailangan mag-emergency landing dahil sa pag-tanggi nitong mag-suot ng mask.

Siya ay pinakawalan nuong ika-22 ng Enero.

Si Okuno ay isang no-mask crusader. Sa kanyang blog, sinasabi niya na ang pag-utos sa mga tao na mag-suot ng mask ay lumalabas sa social freedom.

Ayon sa ibang ulat, si Okuno ay naging sanhi ng ilang mga kaguluhan nuong nakaraang taon dahil sa pag-tanggi nitong mag-suot ng mask sa isang museo para sa Imperial Palace sa Tokyo at isang hotel sa Nagano Prefecture.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund