Isang lalaki ang pinaniniwalaang sinunog ang sarili sa isang palayan

Ayon sa mga pulis, ang labi ay pinaniniwalaang sa isang matandang lalaki na may taas na 175 sentimetro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

 

 

ISHIKAWA (TR) – Isang lalaki ang pinaniniwalaang nagpa-tiwakal sa pamamagitan ng pag-sunog sa sarili sa lungsod ng Nakanoto nuong nakaraang linggo, pag-siwalat ng mga pulis

Bandang alas-8:00 ng umaga nuong ika-9  ng Abril, isang residente ng Tokumaru ang nag-alerto sa mga pulis na may bangkay sa isang palayan, mula sa ulat ng Hokuriku Broadcasting (April 9).

Ayon sa mga pulis, ang labi ay pinaniniwalaang sa isang matandang lalaki na may taas na 175 sentimetro.

Bilang karagdagan sa itim na tsinelas nito, ito ay naka-suot ng damit na nasunog.

Isang itim na bag, isang lighter at isang flammable ang natagpuan sa lugar ng krimen, ayon sa mga pulis.

Wala namang nakitang kakaiba o foul play sa nasabing krimen. Ini-imbestigahan ng mga pulis sa kasalukuyan ang pagkaka-kilanlan ng bangkay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund