Isang Japanese medical worker nagkaroon ng coronavirus matapos mabakunahan ng 2 beses

Ngunit ang nasabing utos ay isasagawa nang hindi mag-dedeklara ng state of emergency ang central government. Inalis na ng Japan ang ikalawang coronavirus state of emergency na ipinatupad nuong Enero sa Tokyo at ilan pang mga lugar.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Japanese medical worker nagkaroon ng coronavirus matapos mabakunahan ng 2 beses

 

 

Ayon sa lokal na awtoridad, isang temporary staff ng hospital sa Ishikawa Prefecture na naka-tanggap na ng bakuna na gawa ng  Pfizer Inc. nuong March 13 at April 3. Ang pasyente ay hindi pa naman nagpapa-kita ng anumang sintomas.

Mula sa pahayag ng isang prefectural goverment official, “Sa kabuoan, kumakain ng maraming panahon bago pa makapag-produce ng antibodies matapos mabakunahan.”

Ang Japan ay nag-simulang mag-bakuna ng kanilang health care workers nuong buwan ng Pebrero. Ang U.S. pharmaceutical company vaccine ay ibina-bakuna ng dalawang beses na may tatlong linggo ang pagitan.

Ang manggagawa ay sinuri matapos magkaroon ng contact sa isang taong mayroong impeksyon. Ayon sa ospital, ang taong ito ay hindi humaharap sa mga pasyente.

Nitong Linggo rin ay nag-ulat ang Tokyo ng adisyonal na 421 na kaso ng coronavirus, isang araw ang nakaraan bago ilathala ng metropolitan government ang mas mahigpit na hakbang upang malabanan ang pag-kalat ng virus.

Kinumpirma ng prepektura ng Osaka ang 760 na daily case ng impeksyon, na mas mababa kaysa sa tala na 918 nuong nakaraang araw, ito ay sa gitna ng pag-aalala sa western prefecture at Kansai region na nakakaranas ng patuloy na pag-laganap ng mas matinding variant ng nakahahawang coronavirus.

Ang pinaka-bagong tala ng mga nahawa sa Kapitolyo ay umabot na sa 125,978 at ang seve-day rolling ng avaerage ng impeksyon sa bilang na 468, mataas ng 20.1 porsyento mula nuong nagdaang mga linggo.

Ang metropolitan government ay mag-sisimulang ipataw ang mas mahigpit na hakbang sa maraming lugar sa Tokyo ngayong Lunes, kabilang ang pakikipag-kausap sa mga kainan at bars sa mataong bahagi ng lugar na mag-sara bago sumapit ang ika-8 ng gabi.

Ngunit ang nasabing utos ay isasagawa nang hindi mag-dedeklara ng state of emergency ang central government. Inalis na ng Japan ang ikalawang coronavirus state of emergency na ipinatupad nuong Enero sa Tokyo at ilan pang mga lugar.

Ang quasi-emergency measure ay inilathala nuong ika-5 ng Abril sa prepektura ng Osaka, Hyogo at Miyagi. Nuong Biyernes, napag-desisyonan ni Prime Minister Suga Yoshihide na isali ang Tokyo, Kyoto at Osaka sa listahan ng mga lugar na dapat patawan ng nasabing hakbang.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund