TOKYO (TR) – Ang health ministry ay naging matunog dahil sa isang kontrobersyal na kinasasangkutan nito nang dumalo ang mga staff members nito sa isang farewell party nuong Marso, sa kabila nang paki-usap ng pamahalaan na umiwas sa mga ganitong aktibidad dahil sa novel coronavirus pandemic.
Ngunit hindi lamang ito ang isyu na naisalawalat tungkol sa ministro ngayong buwan.
Ayon sa weekly tabloid na Shukan Bunshun (April 15), isang lalaking staff member umano ang nag-tangkang magpa-kamatay sa pamamagitan ng pag-talon mula sa gusali ng ministry office sa Chiyoda Ward.
Ang staff member, na nasa kanyang 40’s, ay naka-talaga sa pension division.
“Siya ay avid reader,”ani ng source sa loob ng ministry. “Palagi ko siyang nakikitang nag-babasa ng iba’t-ibang libro. Maayos namang nag-tatrabaho ang taong ito.”
“Ito ay napaka-maabalang panahon”
Nitong ika-22 ng Marso, ang nasabing staff member ay naka-tanggap ng notice na siya ay maililipat ng departamento. “Maraming salamat,” sinulat nito para sa isang katrabaho.
Matapos nito ay kumuha ng martilyo ang staff member at binasag ang salamin ng bintana sa ika-8 palapag ng gusali ng Central Government Building No.5. Nang ito ay mag-tangkang tumalon palabas ng bintana, sumabit siya sa mga basag na salamin ng bintana.
“Ang daming dugo sa katawan niya,” pahayag ng isa pang source sa ministro. “Ito ay napaka-abalang pangyayari dahil ito rin ang pag-dating ng ibang staff at executives sa trabaho.”
Ang miyembrong ito ay agad na dinala sa ospital, kung saan siya ay sumailalim sa isang operasyon. Ngunit sanhi ng coronavirus outbreak, wala siyang lugar sa ospital. Ang lalaki ay kasalukuyang nagpapa-galing sa tahanan ng isang kamag-anak, ayon sa tabloid.
“Alam ko yun.”
“Ang basag na salamin — oo, alam ko ang tungkol dun,” sabi ni vice minister Hideki Tarumi matapos matapos tanungin tungkol sa isyu. “Kung ano ang dahil [kung bakit ito nabasag], yan ang amin pang inaalam.”
Matapos sumulat sa ministro ang Bunshun at nag-hahanap ng kasagutan o komento sa nangyari, sumagot ang isang tagapag-salita, “sapagkat kinukumpirma namin ang kaso, wala muna kaming maiku-komento.”
Ayon sa magazine, ang e-mail na ipinadala ng staff member ay nag-sasabi rin siya ay inaabuso ng kanyang mga superior.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation