GUNMA (TR) – inaresto ng Gunma Prefectural Police ang 31 anyos na babae dahil sa pag-patay umano nito sa kanyang 7 buwang gulang na anak na babae nuong nakaraang taon, ayon sa ulat ng Asahi Shimbun (April 26).
Nuong umaga ng April 23, 2020, si Runa Tanaka, walang trabaho ay tinakpan umano ang ilong at bibig ng kanyang anak na si Kiyoka Furuta na siyang naging dahilan kung bakit ito hindi naka-hinga. Ito ay nangyari sa loob ng kanilang tahanan sa Lungsod ng Ota.
Ayon sa mga pulis, inamin ni Tanaka ang mga alegasyon na ipinataw sa kanya nang siya ay maaresto.
Nang araw ng insidente, isang staff member ng isang ospital sa Ota City ang tumawag sa Ota Police Station matapos dalhin ng isang ambulansiya si Kiyoka.
Sinabi ni Tanaka sa pulis na pumunta sa kanyang tahanan na “Natagpuan ko ang aking anak na walang malay kaya tumawag ako ng emergency services.”
Subalit, siya ay pumunta sa police station na kasama ang kanyang asawa at inamin ang kayang ginawang krimen. “Hinawakan ko ang aking anak tapos tinakpan ko ang kanyang ilong at bibig.” ani nito.
Matapos ang insidente, si Tanaka at ang kanyang asawa ay naghiwalay. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Niigata Prefecture.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation