Share
NIIGATA- inaresto ng mga pulis sa Itoigawa, Niigata Prefecture nuong Miyerkules ang isang 45 anyos na lalaking walang trabaho dahil sa suspisyon sa pag-aabuso sa kanyang 1 taong gulang na anak na lalaki nuong Pebrero.
Ayon sa mga pulis, apat na beses sinampal sa mukha ni Issei Nagasaki ang kanyang anak sa gamit ang kanyang dalawang kamay nuong February 6, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang ina ng bata ang siyang nag-report ng pananakit sa mga pulis.
Kasalukuyang kini-kwestiyon ng mga pulis ang mga magulang kung noon pa man ay naka-ranas na nang pang-aabuso ang bata.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation