India, ang pinaka-malaking bansa na gumagawa ng bakuna, ay humaharap sa kakulangan ng bakuna para sa COVID-19 sa kalagitnaan ng pag-laganap ng impeksyon. Mahigit 100,000 kaso na ang nai-ulat halos araw-araw sa buong linggo.
Ini-ulat ng Health Ministry ng India na mahigit 130,000 na bagong nitong Biyernes, isang tala nang buong tatlong araw. Datos mula sa John Hopkins University sa Estados Unidos ang nagpa-kita na ang India ay mayroong mahigit 13 milyong mga kaso, ang ikatlong may pinaka-mataas na bilang pagka-tapos ng U.S at Brazil.
Ini-exetend ang night curfew sa ilang maliliit na lungsod matapos itong ideklara sa New Delhi at ilang pang malalaking lungsod.
Sa ilang mga pangyayari, nananawagan ang mga opisyal sa minimal na pag-gamit ng bakuna. Ilang health officials sa ilang mga rehiyon ay nag-sabi na ipinasara nila ang ilang mga vaccination center nang ito ay nawalan o naubusan na ng supplies. Ang pagka-sira ay isa sa tinitingnan na rason ng dahilan ng kakulangan sa bakuna.
Hinihimok ni Prime Minister Narendra Modi ang mga state leaders sa isang online meeting na bawasan ang pagka-sira. Sinabi niya na “Sa pag-sisimula ng isang special initiative maaari tayong makapag-bakuna ng mas maraming tao at mga taong karapat-dapat na mabakunahan at siguraduhin na walang masasayang o masisirang bakuna.”
Ang pag-babakuna ay available na sa mga taong nag-eedad ng 45 pataas at mga medical frontline workers. Sinabi ng mga eksperto na dapat palawakin ang pagiging angkop upang mapigilan ang kasalukuyang pag-kalat ng impeksyon..
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation