SHIZUOKA ina-resto ng mga pulisya sa Mishima, Shizuoka ang ikalawang suspek sa pag-patay ng 32 anyos na lalaki malapit sa istasyon ng tren nuong nakaraang buwan.
Ayon sa pulis, si Taku Oki, 35 anyos, walang trabaho ay naakusahang sumaksak kay Shungo Kagiwada, isang construction worker nuong ika-7 ng Marso malapot sa JR Mishima Station, ulat ng Sankei Shimbun. Ang isa pang suspek na si Tetsuya Niitsu, 38 anyos at wala rin trabaho ang ina-resto sa Matsudo, Chiba Prefecture sa kaparehong kaso.
Isang tawag ang natanggap ng 119 bandang ala-5:10 ng madaling araw nuong ika-7 ng Marso, na nag-sasabi na may isang lalaki na naka-handusay sa kalsada malapit sa south exit ng istasyon matapos makipag-buno sa 4 hanggang 5 kalalakihan. Nang dumating ang ambulansiya sa lugar ng insidente, wala nang tao rito. Ilan sa mga kasamahan ng biktima ay dinala ito sa Mishima Central Hospital.
Ang biktima ay kilaunang kinilala bilang si Kagiwada, pumanaw ito makalipas ang 50 minutos mula nang ito ay dalhin sa pagamutan.
Inilagay ng mga pulis ang pangalan nila Oki at Niitsu sa wanted list matapos tanungin ang mga kasama ng biktima tungkol sa nangyaring insidente.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation