Forklift driver arestado matapos mabangga at mapatay ang isang pedestrian

Ang pulisya sa Izumisano, Osaka Prefecture, ay inaresto ang isang 52-taong-gulang na lalaki sa salang reckless driving na nagresulta sa pagkamatay matapos mabangga ng kanyang minamanehong forklift at mapatay ang isang 47-taong-gulang na babaeng pedestrian. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspForklift driver arestado matapos mabangga at mapatay ang isang pedestrian

OSAKA

Ang pulisya sa Izumisano, Osaka Prefecture, ay inaresto ang isang 52-taong-gulang na lalaki sa salang reckless driving na nagresulta sa pagkamatay matapos mabangga ng kanyang minamanehong forklift at mapatay ang isang 47-taong-gulang na babaeng pedestrian.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap bandang 9:15 ng umaga noong Sabado, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang biktima na si Rie Ito, ay naglalakad sa isang bangketa nang siya ay matamaan ng forklift na minamaneho ni Kiyoaki Ikeguchi. Dinala si Ito sa ospital kung saan siya ay namatay pagkatapos ng ilang oras.

Sinabi ng pulisya na sa oras ng aksidente, si Ikeguchi ay may kargang mga coil ng bakal mula sa imbakan ng kanyang kumpanya patungo sa isang planta sa kabilang kalye nang masalpok niya si Ito na nasa daanan.

Inamin ni Ikeguchi sa kapulisan na hindi siya nag check at lumingon upang makita kung may tumatawid sa harap niya.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund