Food Bank sa Gifu, tumu-tulong sa mga taong tinamaan ng matindi ng pandemiya

Plano ng grupo na gawing regular ang pamimigay ng pagkain at iba pang mga pangangailangan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspFood Bank sa Gifu, tumu-tulong sa mga taong tinamaan ng matindi ng pandemiya

 

Isang food bank sa prepektura ng Gunma, hilaga ng Tokyo, ay namigay ng pagkain at mga gamit na kinakailangan araw-araw sa mga taong na-apektuhan ng matindi dahil sa pandemiyang dala ng coronavirus.

Ang nonprofit group ay binubuo ng mga may-ari ng isang lokal na kainan at inuman na siyang nag-alok ng mga pagkain, inuman atbp sa lungsod ng Isesaki nuong Linggo.

Nanghingi naman ng donasyon ang grupo sa social media para sa mga bigas at gulay at pati na rin ang mga sanitary products at tissue paper. Sila ay naka-kolekta ng sapat na donasyon para sa 200 katao.

Maraming tao ang nag-punta sa venue upang kuhain ang mga ipinamimigay.

Ang lungsod ay tirahan ng maraming dayuhang mag-aaral. Tinulungan sila ng mga English at Portuguese interpreters at gumawa sila ng isang multiligual signboard sa venue.

Ang representative ng grupo na si Kagaya Yuka ay nag-sabi na nais tulungan ng mga may-ari ng mga negosyo ang mga taong nangangailangan at hangad nila na ang mga na-likom na donasyon ay maka-tulong sa mga hinaharap nito pag-subok sa kasalukuyan.

Plano ng grupo na gawing regular ang pamimigay ng pagkain at iba pang mga pangangailangan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund