Egyptian mummies, ililipat na ng ibang tahanan

Ang turismo ay isang napaka-importanteng source of income sa Egypt ngunit ito ay nag-dusa mula nang mag-simula ang pandemiyang dala ng Coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspEgyptian mummies, ililipat na ng ibang tahanan

Isang prosesyon ng mga royal mummies ang naganap sa Cairo, kapitolyo ng Egypt dahil ang mga ito ay inilipat na sa isang bagong museo.

Ang mga mummies na binubuo ng 18 Hari at 4 na Reyna ang ibinyahe at inilagak sa isang espesyal na convoy nitong gabi ng Sabado mula sa Egyptian Museum patungo sa bagong bukas na National Museum of Egyptian Civilization sa lungsod.

Ang mga mummies na mahigit 3,000 taong gulang na ay inilagay sa isang espesyal na climate-controlled capsules.

Ang bawat mummy ay isinakay sa isang custom-made vehicle na katulad ng royal coffin.

&nbspEgyptian mummies, ililipat na ng ibang tahanan

Isang grupo ng mga tao na naka-suot ng lumang kasuotan ang nanguna sa prosesyon. Naging dahan-dahan ang kanilang pag-usad nang higit sa 5 kilometro sa mga lansangan na siyang isinarado upang walang mag-daan na sasakyan.

Ang Egyptian President na si Abdel Fattah al-Sisi ay nasa bagong museo upang salubungin ang mga mummies.

Ang mga mummies ay ipapakita sa publiko pagka-lipas ng 2 linggo.

May mag-bubukas muling bagong museo sa bansa ngayong taon. Ang Grand Egyptian Museum ay sumasa-ilalim sa isang konstruksyon sa tulong ng mga Hapones sa Giza, labas ng Cairo.

Ang turismo ay isang napaka-importanteng source of income sa Egypt ngunit ito ay nag-dusa mula nang mag-simula ang pandemiyang dala ng Coronavirus. Inaasahan ng pamahalaan na ang grand parade ng mga mummies ay muling mag-dala at maka-akit ng mga turista sa bansa.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund