TOKYO
Itinatag ng Tokyo Metropolitan Foundation TSUNAGARI ang Tokyo Multilingual Consultation Navigation Service (TMC Navi) bilang isang contact point kung saan ang mga dayuhang mamamayan na naninirahan sa Tokyo ay maaaring kumunsulta tungkol sa mga pang-araw-araw na issue sa buhay o magtanong tungkol sa mga bagay na nais magkaroon ng dagdag na kaalaman.
Nagbibigay ang TMC ng mga konsulta tungkol sa iba’t ibang mga bagay sa mga dayuhang residente sa kanilang sariling wika, kabilang ang mga isyu tungkol sa pagkabalisa at epekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay dahil sa muling pagdami ng nahahawaan sa coronavirus.
Sa kasalukuyan, ang serbisyong ito ay bukas lamang tuwing weekdays, at hindi magagamit tuwing Sabado, Linggo o mga pambansang holiday. Gayunpaman, upang tumugon sa mga alalahanin na maaaring mayroon ang mga dayuhang residente sa panahon ng Golden Week, ang TMC Navi ay pansamantalang bubuksan ang mga sumusunod na detalye sa ibaba.
1. Pansamantalang Mga Petsa ng Pagbubukas
Abril 29 (Huwebes, holiday), Mayo 3 (Lunes, holiday)
* Ipagpapatuloy ang normal na operasyon sa Mayo 6 (Huwebes)
2. Oras ng serbisyo
10 am – 4 pm
3 Tel: 03-6258-1227
4. May assistance sa iba’t ibang Wika – simple Japanese, English, Chinese, Korean, Tagalog (magagamit sa pansamantalang mga araw ng pagbubukas)
[Para sa mga katanungan]
Multicultural Coexistence Section,
Tokyo Metropolitan Foundation na “TSUNAGARI”
Email: tsunagari-info@tokyo-tsunagari.or.jp
Website: https://www.tokyo-tsunagari.or.jp/english/
© Japan Today
Join the Conversation