Binaril at nasugatan ng mga police sa Aichi ang lalaking may hawak na kutsilyo sa Nagoya

"Kung hindi mo ibababa ang patalim, mapipilitan akong magpa-putok," sabi ng isang pulis. "Kung kaya mo, sige barilin mo ko," sagot naman ng lalaki

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBinaril at nasugatan ng mga police sa Aichi ang lalaking may hawak na kutsilyo sa Nagoya

 

 

AICHI (TR) – Isang pulis mula sa Aichi Prefectural Police ang bumaril sa isang lalaki na may hawak ng kutsilyo sa Nagoya nitong Linggo, ulat ng Fuji News Network (April 12).

Bandang alas-10:00 ng gabi, naka-tanggap sila ng tawag ukol sa isang lalaki na “nag-lalaro  ng apoy” sa loob ng isang multi-story na garahe  sa Nishi Ward.

Ang mga pulis na dumating sa lugar ng pinangyarihan ay natagpuan ang isang lalaki na nag-eedad sa kanya 40`s na may dalang 50 sentimetrong patalim sa ikatlong palapag.

“Kung hindi mo ibababa ang patalim, mapipilitan akong magpa-putok,” sabi ng isang pulis. “Kung kaya mo, sige barilin mo ko,” sagot naman ng lalaki

Nagpa-putok ng dalawang beses ang pulis sa direksyon kung nasaan ang paa ng lalaki, at ang isa ay tumama sa ibabang parte ng tiyan. Agad namang dinala ang lalaki sa ospital na malayo sa peligro ang buhay, ani ng mga pulis.

Ang lalaki ay inaakusahan sa kasong pag-gagambala sa tungkulin ng isang public servant.

“Sa kasalukuyan, sa tingin namin naging tama ang aming pag-gamit sa baril,” sinabi ni Yasuo Iida ng Aichi Prefectural Police sa kanyang statement.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund