Nag-ulat ang Tokyo Metropolitan Government ng bagong 729 na kaso ng coronavirus nitong Huwebes, ito ay tumaas ng 138 mula nuong Miyerkules at pinaka-mataas na bilang mula pa nuong ika-4 Pebrero. Maging mataas nanaman ang bilang ng mga impeksyon sa Osaka sa buong Japan, sa naitala nitong bilang na 1,209.
Sa Tokyo, ang bilang ng (387 na mga lalaki at 342 na babae) ay resulta mula sa 11,576 na pag-susuri na isina-gawa nuong ika-12 ng Abril. Ayon sa pangkat ng edad, mga taong nag-eedad na 20 pataas at mga taong nag-eedad ng 30 pataas (145 na kaso), ito ay kabilang sa mataas na bilang ng kaso habang ang mga nag-eedad ng 60 pataas ay nasa 105 naman.
Sa Tokyo, ang bilang ng mga taong nahawa na nakararanas ng matinding reaksyon mula sa impeksyon ay nasa 37, ito ay bumaba na ng 4 mula nuong Miyerkules, ayon sa mga health officials. Ang kabuoang bilang ay nasa 631 na.
Sa buong bansa ang bilang ng mga ini-ulat na kaso ay umabot na sa 4,518. Matapos sa Osaka at Tokyo, sa Hyogo ay nakitaan rin ng mataas na bilang ng kaso (493), Kanagawa (242), Aichi (218), Saitama (188), Chiba (144), Okinawa (134), Fukuoka (109), Kyoto (107), Hokkaido (101), Nara (81), Ibaraki (59), Miyagi (53), Okayama (46), Aomori (45), Shiga (43), Shizuoka (43), Ehime (43), Nagano (39) at Niigata (36).
Ang bilang ng mga coronavirus-related deaths ay nasa 25 na base sa nai-ulat sa buong bansa.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation