YOKOHAMA – Dalawang nurse sa silangang Japan prefecture ng Kanagawa na nabakunahan para sa COVID-19 ang nagpositibo sa virus, inihayag ng gobyerno ng prefectural noong Abril 6.
Ang pares, kapwa mga kababaihan na nasa edad 20 na nagtatrabaho sa Atsugi City Hospital sa lungsod ng Atsugi, ay ang unang kaso ng prefecture ng mga inoculated na taong positibo sa virus.
Ayon sa prefecture, ang parehong mga kababaihan ay may banayad na sintomas ng COVID-19. Nakatanggap sila ng kanilang unang dosees ng bakuna sa pagtatapos ng Marso, at nakumpirma na nahawahan ng coronavirus noong Abril 5. Sinabi ng isang opisyal ng prefectural na hindi nila sigurado kung nagka covid ba ang mga ito bago o pagkatapos ng bakuna: “Nasa incubation period na kasi ang mga ito, kaya’t hindi nila masasabi na sila ay sigurado kailan talaga nahawaan ang mga ito, bago ba o pagkatapos mabakunahan. ”
(Orihinal na Hapones ni Tsumuki Nakamura, Yokohama Bureau)
Join the Conversation