2 katao ang pinag-sususpetsahan sa pang-hohold up sa mga Tokyo realtors

Nang maaresto, inamin ni Hachinohe ang mga alegasyon laban sa kanya. "Dalawa o tatlong beses na namin itong nagawa, Tina-target namin ang mga babaeng agent." ani nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp2 katao ang pinag-sususpetsahan sa pang-hohold up sa mga Tokyo realtors
Wakana Hachinohe at ang kanyang foster mother na si Kazuko (Twitter)

 

TOKYO (TR) – isang lalaki at ang kanyang foster mother ay pinag-hihinalaang sa ilang mga pag-nanakaw na tuma-target sa mga realtors sa kapitolyo nuong nakaraang buwan, siniwalat ng mga pulis, mula sa ulat ng Sankei Shinbun (April 11).

Ayon sa Fukagawa Police Station, ang mga suspek ay sina Wakana Hachinohe, 48 anyos at ang kanyang foster mother, 56 anyos na si Kazuko.

Bandang alas-3:30 ng hapon nuong March 19, tinutukan umano ni Hachinoche ng patalim ang isang babaeng real state agent habang ipinapa-kita nito ang isang apartment sa Koto Ward.

“Ibigay mo lahat ang hawak mo,” sinabi umano nito bago laslasin ang kanang kamay ng babae. Agad nitong hinablot ang bag ng babae na nag-lalaman ng 200 yen at ang bank card nito. Samantalang ang kasabwat nito na si Kazuko ay nakuha ang personal identification number ng babaeng agent.

Nang maaresto, inamin ni Hachinohe ang mga alegasyon laban sa kanya. “Dalawa o tatlong beses na namin itong nagawa, Tina-target namin ang mga babaeng agent.” ani nito.

Suspetsa ng mga pulis, ang dalawa rin ang nasa likod nang nakawan na nangyari sa Edogawa Ward nuong March 30.

 

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund