15 health ministry staffs, nag-positibo sa coronavirus matapos ang party sa Ginza

Simula nuong araw na yun, isa-isa nang nagkaka-hawaan ang mga staff sa ministeryo. May mga ilan rin na nakararanas ng sintomas ng COVID-19.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – isinawalat ng Ministry of Health, Labor and Welfare nitong Huwebes na mas itutulak nila na maipa- igting ang hakbang laban sa coronavirus control measures, pinaniniwalaang ang nangyaring party  nuong nakaraang buwan ang siyang naging sanhi ng pagkalat ng pandemiya.

Nuong Huwebes, ang  ministeryo ay nag-sabi na 15 staff members ay nag positibo sa pag-susuri ng coronavirus nitong Miyerkules, mula sa ulat ng NHK (April 15)

Sapagkat limang katao roon ay dumalo sa pag-sasalo, pinaniniwalaang ito ang naging sanhi ng cluster of infections.

Nuong March 24,  may kabuoang 23 na staff members mula sa ministry of health and welfare bureau para sa mga senior ay nag-tipon tipon sa isang kainan sa Ginza para sa farewell. Sa kabila ng paki-usap ng gobyerno na dapat mag-sara ng maaga ang mga bars at restaurants ngunit may mga ilang miyembro na hindi umalis hanggang madaling araw na.

Simula nuong araw na yun, isa-isa nang nagkaka-hawaan ang mga staff sa ministeryo. May mga ilan rin na nakararanas ng sintomas ng COVID-19. Sila ngayon ay nag-aantay sa mga resulta ng pag-susuri.

Upang maiwasan ang pag-kalat, ang ministeryo ay nagsasa-gawa ng telework at 30 porsyento lamang ng manggagawa o staff ang maaaring pumasok sa opisina.

“Kailangan natin masiguro na walang delay sa trabaho,”ayon sa isang representative ng ministeryo.

Source: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund