TOKYO
Ang Yamato Transport (aka Kuroneko Yamato) ay kilalang kilala sa itim at dilaw na logo ng isang itim na pusa na daladala ang kanyang kitten.
Ang markang “Kuroneko”, na nangangahulugang ligtas at maaasahan, ay hindi pa nababago mula nang maitatag ito noong 1957, at naging pamilyar na simbolo ito para sa mga tao sa Japan.
Kauna unahang Pagbabago ng Logo sa loob ng 64 Taon
Ang Yamato Group ay nagdisenyo ng isang bagong logo, gagamitin ito sa lahat ng Yamato Transport mula Abril 1.
Bagong design:
Mahirap sabihin sa isang sulyap kung ano ang nagbago keysa sa dati.
Gayunpaman, kung ihambing mo ito nang malapit sa marka sa larawan sa ibaba, mapapansin mo ang kaunting mga pagbabago.
Dating disenyo:
Ang itim na border sa paligid ng logo ay nawala, at ang pusa ngayon ay may dalawang paa sa halip na apat.
Ayon sa Yamato Transport, ang bagong logo ay pino upang maging mas “future oriented” na “ipinahayag ang aming hangarin na higit na paunlarin ang mga serbisyo na ibinibigay namin araw-araw, habang pinagsasama at pinaghalo ang mas mahusay sa kapaligiran ng mga lungsod, bayan, at rehiyon. ”
Bilang karagdagan isang bagong “Advance Mark” logo ang itinatag din.
Join the Conversation