Binago na ang Volcanic Hazard Map para sa Mt. Fuji sa makaraan ang 17 taon, dinoble ang ini-estimang daloy at dami ng lava sa kasalukuyang mangyari ang pag-putok ng bulkan.
Ang mapa ay ipiniresenta sa isang online meeting para sa Mount Fuji disaster management council nitong Biyernes. Ang council ay binubuo ng ilang mga opisyales, kabilang ang mga nasa central government at awtoridad sa mga prepektura ng Shizuoka at Yamanashi, ang mga prepektura na kinaka-tayuan ng bulkan, pati na rin ang kalapit na prepektura ng Kanagawa.
Ina-update ang mapa base sa pinaka-bagong resulta ng isinagawang pag-aaral rito at ang geographical data.
Nagpapa-kita raw ng mas maraming craters ngayon kumpara sa mga nakalagay sa lumang mapa at iniestima na ang isang malakas na pag-sabog ay maaaring mag-sanhi ng 1.3 billion cubic meters ng lava o doble kumpara sa nai-estima nuong nakaraan.
Ipinapa-kita rin sa binagong mapa na maaaring dumaloy sa 12 pang mga lungsod sa tatlong prepektura ang lava— kabilang ang mga nasa lugar na mahigit 40 kilometro ang layo.
Kabilang rin ang mga sumusunod na munisipalidad sa mga lugar na maaaring madaluyan ng lava; Uenohara sa prepektura ng Yamanashi, Sagamihara at Odawara sa prepektura ng Kanagawa, at Shimizu sa prepektura ng Shizuoka.
Ipinapalagay rin ng council na maaaring abutin ng lava flow ang sentro ng mga lungsod at munisipalidad sa paanan ng bundok nang mas mabilis kumpara sa inakala nuong nakaraan.
Sinabi rin dito na halos 96 porsyento ng mga nakaraang pag-sabog ay minor o medium-sized na pag-sabog lamang, ngunit ang susunod na pag-sabog ay maaaring malakas.
Babaguhin rin ng council ang evacuation plans sa maraming lugar base sa binagong hazard map. Pag-aaralan rin ng mga lokal na pamahalaan ang kani-kanilang disaster preparedness plans.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation