Ang mga tao sa Fukuoka, western Japan ay nag-pahayag ng kanilang mga alalahanin tungkol sa muling pag-taas ng impeksyon ng coronavirus sa kanilang prepektura, matapos alisin ang state of emergency rito nuong nakaraang linggo.
Sinuri ng NHK ang lokasyon ng impormasyon na nakuha mula sa mga mobilephone upang mapag-alaman ang pag-babago sa galaw ng mga tao sa paligid ng istasyon ng JR Hakata at Kokura nuong unang Sabado matapos alisin ang state of emergency ung huling yugto ng nakaraang buwan.
Tinipon ng IT firm na Agoop ang mga datos ng mga mobile phone matapos makuha ang pahintulot ng mga may-ari nito. Prinotektahan rin nito ang kanilang privacy.
Ipinakita sa datos na ang bilang ng mga taong nasa labas bandang istasyon ng Hataka sa hapon ay tumaas ng 17 porsyento, at halos 3 posyento sa istasyon ng Kokura kumpara nuong nakaraang linggo.
Nag-tanong ang mga taga-NHK sa mga tao sa Tenjin entertainment district ukol sa pagtaas ng porsyento nang pag-labas ng mga tao.
Isang 86 taong gulang na ginang na naninirahan malapit sa Tenjin ang nag-sabi na mayroong kaonting pag-taas ng bilang ng tao, at hindi siya makaramdam ng pagka-kuntento, sa kabila ng pag-alis ng state of emergency sa kanilang lugar. Ayon sa ginang, patuloy pa rin niyang pina-nanatili ang kanyang distansiya sa mga tao kapag siya ay nag-lalakad.
Isang 16 anyos na high school student sa Fukuoka City ang nag-sabi na siya ay nasisiyahan sa pag-alis ng mga restriksyon, ngunit siya ay nangangamba pa rin na baka muling dumami at kumalat ang coronavirus.
Sinabi pa nito na pinapanatili niyang mag-suot ng facemask sa buong araw, at siya rin ay nag-dadala ng extra nito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation