Napag-alaman ng lungsod ng Kobe sa western Japan na ang bagong kaso ng variant ng coronavirus na nag-mula sa Britania ay tumataas ang bilang.
Ang lungsod ay nagsa-gawa ng mga survey matapos may mga kasong nasakot ang bagong virus na ini-ulat sa kanilang lugar pati na rin sa ilang parte ng Hyogo Prefecture. Sinuri nila ang mahigit 1,000 katao na siya naman’y nag-positibo sa coronavirus mula ika-1 ng Enero hanggang ika-18 ng Pebrero.
Ipina-kita sa survey na walang bagong kaso ng coronavirus na mula Britain ang lumabas sa resulta ng 677 na kaso mula sa sinuri nuong ika-1 Enero hangga ng ika-28 ng Pebrero.
Walo o 4.6 porsyento lamang ang nakitaan ng bagong variant mula sa 173 kumpirmadong kaso na nag-simula nuong ika-29 ng Enero.
Ang ratio ay lumaki hanggang 10.5 porsyento o 11 katao mula sa 105 na kumpirmadong kaso sa loob lamang ng ika-12 ng Pebrero hanggang ika-18 ng Pebrero
Sinabi rin ng lungsod na nakakita umano sila ng di pa matukoy na bagong variant sa 5 pasyente.
Sinabi rin ng Alkalde ng Kobe na si Mayor Hisamoto Kizo na kahit ini-lift na ang state of emergency sa lungsod, tandaan na patuloy pa din ang pag-taas ng bagong virus. Hinihimok niya ang mga tao na huwag maging pabaya at susubukan ng lunsod na mapa-bilis ang pag-lulutas o i-detect ang virus.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation