Ang operator ng nasalantang Nuclear Power Plant sa Fukushima daiichi ay nagpa-hayag na tumataas ang level ng tubig sa isang seksyon sa basement nang isa sa reactor ng gusali mula pa nuong Martes.
Sinabi ng Tokyo Electric Power Company na ang watel level sa tinatawag na triangular corner sa basement ng unang palapag ng No.3 building ay tumaas ng mahigit 18 cm bandang alas-9:00 ng umaga nuong Miyerkules.
Ayon sa firm sa Huwebes, plano nitong alisin ang tubig at ilipat ito sa ibang espasyo sa loob ng gusali upang mai-adjust ang water level.
Plano rin ng mga ito na imbestigahan ang sanhi ng pag-taas ng tubig, kabilang ang posibleng koneksyon nito nang lumindol nuong ika-13 ng Pebrero.
Matapos ang lindol, ang taas ng tubig sa containment vessel sa No. 3 reactor ay pansamantalang bumaba. Ngunit sinabi naman ng operator na ito ay nag-stabilized na at walang anumang malaking pag-babago na napansin nuong alas-3:00 ng hapon nuong Miyerkules.
Dinagdag rin ng firm na walang naitalang abnormalidad sa reading at monitoring posts sa compound o sukat ng radioactive concentrations sa tubig ng karagatan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation