Inilabas na ng Japanese automakers ang pinaka-bagong bilang ng kanilang produksyon, na nagpapa-kita ng pag-bagsak sa kanilang domestic production nuong Pebrero sanhi ng global semiconductor chip shortage.
Nag-tala ng 33.6% ng pag-baba ang Honda nuong nakaraang taon habang nag-tala naman ang Subaru ng 34.2%.
Ang semiconductor chips ay gina-gamit sa mga sasakyan upang ma-control ang power brakes. Ang disruptions sa global supply chain ay nag-usig sa mga automakers na palitan ang kanilang production plans.
Tumigil ng 5 araw ang production line ng Honda sa isang malaking kumpaniya.
Binawasan naman ng Toyota ang production sa Japan ng 7.5% nitong Pebrero. Nuong buwan na iyun ay nagkaroon ng pag-lindol sa northeastern Japan na siya namang naka-apekto sa key suppliers ng Toyota.
Mayroon rin mga alalahanin ukol sa sunog na nangyari sa pabrika ng isang Japanese chip maker Renesas Electronic nuong Marso ang maaaring mag-tulak sa mga automakers na bawasan pa ang kanilang produksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation