Sinabi ng maker ng medical equipment ng Japan na Terumo na makakagawa ito ng mga syringes na may kakayahang makahigop ng 7 doses sa bawat vial ng coronavirus vaccine.
Ang anunsyo ay dumating sa gitna ng mga pagsisikap ng Japan na ma-secure ang mga espesyal na syringes na maaaring makakuha ng anim na doses mula sa isang vial ng bakunang Pfizer-BioNTech. Ang kasalukuyang available na syringe na ginamit sa Japan ay nakakahigop laman ng limang doses.
Inihayag ni Terumo na sisimulan nito ang paggawa ng bagong syringes simula sa huling bahagi ng Marso.
Ang syringes ay ginawa na dati noong dumami ang kaso ng influenza noong 2009. Mayroon itong 16-millimeter na haba ng karayom, na angkop para sa pag-inject sa mga muscles.
Sinabi ng kumpanya na nakakuha ito ng pag-apruba at permit noong Biyernes sa ministeryo sa kalusugan upang makabuo at magkapagbenta ng bagong syringes.
Naghahanda na ang kumpanya para sa produksyon sa isang pabrika sa Yamanashi Prefecture malapit sa Tokyo. Plano nitong makagawa ng 20 milyong mga syringes hanggang Marso 2022.
Sinabi ng Terumo Senior Executive Officer na si Tomita Tsuyoshi na layunin ng firm na mabilis na mapalakas ang kapasidad ng produksyon, dahil inaasahan ang malakas na demand nito.
Join the Conversation