TOKYO- isang maagang tag-sibol sa Japan ang umaakit sa mga taong humahanga sa cherry blossoms sa mga parke sa Tokyo ngunit, inu-udyok ng pamahalaan na limitahan ang tradisyonal na kasayahan upang maiwasan ang muling pag-kalat ng COVID-19 infections.
Ang mga bulaklak na mas kilala sa tawag na Sakura ay namukadkad na ng todo nitong Martes, mas maaga ng dalawang linggo kaysa sa normal na pamumulaklak nito. Ang tradisyon ng Hanami o Flower viewing ay tipikal na umaakit ng maraming tao sa mga parke at umupo sa ilalim ng mga puno ng Cherry para mag-picnic, kumanta at uminom.
Ang mga taong bumisita sa Imperial Palace sa central Tokyo ay mga naka-suot ng mask, ito ay kumukuha ng mga litrato at selfies sa mga puno.
“Maraming tao ang dumayo rito ngayon dahil ibinalita na ang mga bulaklak ay full bloom ngayon.” sabi ni Mieko Ozawa, isang residente sa Tokyo na nag-eedad na 70`s.
Mula sa isang video na ginawa ni Tokyo Governor Yuriko Koike, sinabi nito na panatilihin natin na “pag-tingin lamang at hangaan” ang mga bulaklak.
Ang Tokyo ay tatlong kalapit na prepektura nito ay kata-tapos lamang ng state of emergency nuong Linggo. Ang state of emergency ay idineklara matapos mag-Bagong Taon dahil sa ikatlong beses na pag-laganap ng COVID-19 infections at siyang nagpa-bagsak sa medical system sa bansa. Habang nasa state of emergency, pinaki-usapan ng pamahalaan ang mga negosyante na mag-sara ng maaga upang ang mga tao ay mag-trabaho muna sa kani-kanilang mga tahanan at maiwasan ang pagtitipon-tipon.
Nai-tala ang mga bagong kaso ng impeksyon na umabot na sa 337 sa Tokyo nitong Martes, mas mababa nuong ika-7 ng Enero kung saan ito ay umabot sa 2,520 ngunit masyado pa rin mataas upang tuluyang maging kampante ang pamahalaan.
Maraming parke sa buong rehiyon ang ipinag-babawal ang flower viewing, na kung saan ang iba ay nag-lagay pa ng mga pansamantalang bakod upang maiwasan na magtipon-tipon ang mga tao sa tabi ng mga puno.
“Dahil ito ay nasa labas naman, okay lang naman siguro basta wag lang mag-dagsaan ang mga tao” sabi ni Hideo Mizutani (73). “Siyempre, kailangan pa rin natin mag-ingat.”
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation