Sinabi ng theme park sa kanlurang Japan na magbubukas ito ng isang bagong seksyon na nakatuon sa tanyag na video game character na Super Mario sa Marso 18.
Kasama sa lugar ang isang cart ride batay sa Mario Kart, at bahagi ng isang pamumuhunan na higit sa 550 milyong dolyar ng park operator, Universal Studios Japan.
Ang Super Nintendo World ay una sanang naka schedule buksan noong Hulyo ng nakaraang taon. Ngunit naantala ng mga opisyal ang pagbubukas hanggang sa unang bahagi ng Pebrero dahil sa coronavirus pandemic.
Ang isang karagdagang pagkaantala ay inihayag noong Enero, pagkatapos ng Osaka Prefecture ay inilagay sa ilalim ng isang estado ng emerhensiya.
Ang pag-aangat ng paghihigpit noong nakaraang linggo ay nagbigay daam na mabuksan ang atraksyon mga walong buwan pagkatapos ng orihinal na plano.
Ang bilang ng mga pang-araw-araw na bisita sa theme park ay limitado sa 10,000, at mandatory ang pagsuot ng facemask.
Join the Conversation