State of Emergency sa Tokyo area, mag-tatapos na sa Linggo

Nag-sabi rin ang mga gobernador ng mga prepektura na patuloy nilang pakiki-usapan ang mga bars at restaurants na mag-sara ng maaga, at maging maingat sa pag-aya sa mga tao sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga events.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspState of Emergency sa Tokyo area, mag-tatapos na sa Linggo

Napag-desisyonan ng pamahalaan ng Japan na tapusin na ang coronavirus state of emergency sa Tokyo area ngayong Linggo.

Nangako ang Punong Ministro na si Suga Yoshihide na gagawa ng hakbang upang ma-contain ang pag-kalat ng impeksyon. Sinabi niya na ang kasalukuyang sitwasyon ay hindi maganda.

Sa pag-pupulong nang parliamentary committee nuong Biyernes sinabi ni Suga na, “Ang occupancy rate sa mga higaan ng ospital ay dapat mas  mababa sa 50 porsyento upang mai-angat ang deklarasyon. Nuong nakaraan sa Prepektura ng Chiba, ito ay nasa 47.8 percent ngunit ito ay nasa baba na ng 40 porsyento sa kasalukuyan. Subalit, iniisip ko na ito ay hindi pa sapat. Gagawa tayo ng epektibong mga hakbang sa ating makakaya upang hindi na ito muling mag-rebound.”

Iginiit rin ng punong ministro na ang bilang ng mga bagong kaso ay bumaba na nang 80 porsyento, kahit na ang ilang lugar na nakikitaan ng dahan-dahang pag-taas ng bilang.

Nag-sabi rin ang mga gobernador ng mga prepektura na patuloy nilang pakiki-usapan ang mga bars at restaurants na mag-sara ng maaga, at maging maingat sa pag-aya sa mga tao sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga events.

Bilang parte ng pag-sisikap upang ma-monitor ang pag-kalat ng virus, itataguyod rin nila ang mga precautionary testing.

Nag-tala ang mga opisyal ng 303 bagong mga kaso sa Tokyo nitong Biyernes. Mahigit 110 libo katao na ang nahawaan sa kapitolyo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund