Samurai Era Village, na mapapasyalan sa isang museo sa Japan

Ang Yomigaeru Kusado Sengen ay isang inddor exhibit, ang pagkaka-gawa nito at kakaibang disenyo ay nag-bibigay ng outdoor atmosphere, kung-kaya`t hindi kailangan mag-alala sa lagay ng panahon kung bibisita sa nasabing museo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSamurai Era Village, na mapapasyalan sa isang museo sa Japan

Ngunit ang Fukuyama Kusado Sengen Museum, parte ng Hiroshima Prefectural Museum of History complex, ay hindi tulad ng ibang museo.

&nbspSamurai Era Village, na mapapasyalan sa isang museo sa Japan

Nuong panahon, ito ay tinawag na Kusado Sengencho, isang masaganang lugar nuong panahon ng Muromachi period ng Samurai era ng Japan. Ang kasaganahan ng komyunidad ay tumaas nuong ika-14 siglo, kahit na ang nasabing lugar ay unti-unting lumiit, hanggang sa ito ay natabunan na nang tubig ng ilog na nakapaligid rito.

&nbspSamurai Era Village, na mapapasyalan sa isang museo sa Japan

Ang permanenteng exhibit na tinawag na Yomigaeru Kusado Sengen (“The Return of Kusado Sengen”) ay matagal nang bukas, ngunit ito ay natatabunan o nalalamangan ng mas papular na lugar sa prepektura ng Hiroshima, tulad ng Miyajima at Peace Memorial Park. Ang Japanese Twitter at native ng Fukuyama na si  @stmr_dikr , palagi siyang pumu-punta sa nasabing museo mula nang kanyang kabataan, ngunit nitong mga nakaraang siya ay bumisita sa lugar, ibinahagi niya ang mga magagandang koleksyon ng mga larawan sa kanyang page.

Ang village ay may Machiya (tradisyonal na hanay-hanay na kabahayan), isang pantalan, workshop ng isang karpentero, templo at palengke, ang lahat ay ginawa ayon sa architectural aspect ng Muromachi period. Ang ibang mga interior ay bukas para sa mga bisita kabilang ang mga lumang tradisyonal na lutuan at mga palayok (Irori).

Ang Yomigaeru Kusado Sengen ay isang inddor exhibit, ang pagkaka-gawa nito at kakaibang disenyo ay nag-bibigay ng outdoor atmosphere, kung-kaya`t hindi kailangan mag-alala sa lagay ng panahon kung bibisita sa nasabing museo.

Matagal nang taga-hanga ng lugar si @stmr_dikr, ngunit ang lugar ay nananatiling hindi kilala o papular, at binanggit niya na tuwing siya ay bibisita sa nasabing lugar palagi itong wala masyadong tao. Ito ay matatagpuan sa tapat ng kalsada mula sa Fukuyama Station (kung saan humihinto ang Shinkansen , sa pagitan ng Hiroshima at Osaka) ang admission fee ay nagkaka-halaga lamang ng 290 yen (2.80 dollars). Ito ang pinaka-murang pasyalan kung saan mararanasan ang Samurai Era.

 

 Impormasyon ng Museo

Fukuyama Kusado Sengen Museum (Hiroshima Prefectural Museum of History) / ふくやま草戸千軒ミュージアム(広島県立歴史博物館)

Address: Hiroshima-ken, Fukuyama-shi, Nishimachi 2-4-1

広島県福山市西町2丁目4−1

Open 9 a.m.-5 p.m.

Closed Mondays (or next non-holiday weekday if Monday is a holiday), December 28-January 1, February 2-5, and June 9-14

Source: Japan Today

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund