Napag-alaman ng NHK na kinukunsidera ng Japan Airlines ang plano na alukin ng karagdagang investment o pinansiyal na suporta ang dalawang budget carrier na malubhang tinamaan ng pandemiya.
Sinabi ng analysts na isa itong parte ng stratehiya upang masiguro na maka-ahon ang mga low-cost operators sa hirap na hinaharap sa kasalukuyan.
Ang mga potensiyal na maka-tatanggap ng tulong ay ang Jetstar Japan at Spring Airlines Japan.
Ang Jetstar Japan ay nag-ooperate ng 16 na domestic flight routes. Nagmamay-ari ang JAL ng malaking parte ng kompanya, kabilang ang Australia’s Qantas Group.
Ang Spring Airlines Japan ay isang subsidiary ng isang Chinese budget carrier. Ito ang nag-coconnect sa mga flight mula Narita patungo sa mga Chinese cities kabilang ang Nanjing at Tianjin. Ayon sa mga sources, ang JAL ay maaaring mag-alok ng funds na nagkaka-halaga ng milyong dolyares sa dalawang carriers.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation