Pinakiki-usapan ng Japan na alisin ng China ang Anal Swab Test

Hindi rin nabanggit no Wang kung papalitan mg China ang nasabing klase ng pag-susuri base sa hinihiling na petisyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinakiki-usapan ng Japan na alisin ng China ang Anal Swab Test

Sinabihan ng gobyerno ng Japan ang bansang China ba huwag gawan ng anal swab test para sa coronavirus ang mga hapon na pumupunta sa kanilang bansa.

Sinabi ni Chief Cabinet Secretary na si Kato Katsunobu sa mga mam-babalita na nakiki-usap ang pamahalaan sa Chinese Foreign Ministry at lungsod ng Beijing nitong Lunes.

Sinabi ni Kato na ang China ay nagsasagawa ng ganitong mga test sa mga taong naka-quarantine at mga taong lumalapag sa kanilang bansa.

Ipinaliwanag niya na nakikipag-ugnayan ang mga Japanese national sa Japanese embassy sa Beijing na nagsabing kinailangan silang ipina-daan sa nasabing proseso at ito ay nag-dulot sa kanila ng matinding psychological strain.

Sinabi rin ni Kato na wala pang sagot mula sa kampo ng China, ngunit  patuloy pa rin nilang isusulong ito para baguhin.

Hindi pa rin daw alam ng gobyerno ng Japan kung ilang hapon ang dumaan sa ganito pag-susuri. Idinagdag rin niya na wala pang nag-kukumpirmang ibang mga bansa kung ito rin ang klase ng pag-susuri na kanilang ginagawa.

Sinabi ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin sa mga reporter nuong Lunes na nag-aadjust ang China ng pangontrang hakbang na naaayon umano sa pananaw pang-sayantipiko, depende sa sitwasyon nang may impeksyon. Hindi rin nabanggit no Wang kung papalitan mg China ang nasabing klase ng pag-susuri base sa hinihiling na petisyon.

Ayon sa Chinese media report, mas matagal na nag-popositibo ang resulta ng Anal swab test kaysa sa mga swab test sa ilong at lalamunan at ito ay nagiging daan upang matulungan ang mga eksperto na matukoy ang klase ng virus.

Source and Image: NHK World Japan

 

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund