Ang pamahalaan ng Pilipinas ay tataasan ang paghihigpit sa hakbang sa pinaka-mataas na level alinsunod sa coronavirus lockdown ngayong Lunes sa lungsod ng Maynila at mga karatig lugar nito.
Ang pag-babago ay kasagutan sa muling pag-taas ng bilang ng mga kaso nitong unang yugto ng buwan. Ang arawan na bilang na lumabas nuong Biyernes ay ang pinaka-mataas na bilang na umabot na sa 9,838.
Ang mga hakbang ay inanunsiyo nitong Sabado, kabilang rito ang isang strict one-week lockdown para sa kapitolyo at apat na katabing probinsiya nito. Ito ay kauna-unahang pagkaka-taon mula nuong huling Mayo na ang restriksyon ay umabot sa pinaka-mataas.
Ipinag-babawal ng pamahalaan ang mga pag-labas, maliban sa pamimili ng mga pangangailangan tulad ng pagkain at mga gamot. Bawal lumabas sa pagitan ng ala-6:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng umaga kinabukasan.
Iminumungkahe sa mga kumpanya na limitahan ang bilang ng trabahante na mga nag-co commute sa minimum.
Matapos ang anunsiyo, nagdagsaan ang mga tao sa mga pamilihan sa Maynila upang mag-imbak ng mga de-latang pagkain, instant noodles, at toilet paper, mga ilang kagamitan o bagay na kailangan sa pang-araw-araw.
Inaantabayanan rin ng pamahalaan ang bagong lumalabas na uri ng coronavirus. Mayroong bagong uri ng coronavirus na natagpuan sa Pilipinas, na iba mula sa nakitang uri mula sa mga natagpuan sa Britain, South Africa at Brazil.
Halos isang taon nang naka-lockdown ang bansa bilang hakbang upang masugpo ang pandemiya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation