Ang panahon ng pang-huhuli ng mga firefly squid ay nag-simula na nung Lunes Sa Toyama Bay sa baybayin ng Karagatan ng Japan.
Nag-bubukas ang season na ito tuwing ika-1 ng Marso kada taon.
Anim na bangkang pangingisda na nag-lululan ng 50 katao ay nag-sisimulang mag-layag bandang alas-4:00 sa isang daungan sa lungsod ng Namerikawa. Ang nasabing lungsod ay tradisyunal na maraming nahuhuli.
Kinuha ng mga mangingisda ang mga net na inilagay sa mahigit 1.5 km sa karagatan upang maka-huli ng firefly squid na mayroong bughaw at puting ilaw.
Ayon sa mga lokal na opisyal, ang huli nuong araw na iyun ay umabot sa 127 kg na 1/3 lamang ng inisyal na huli nuong nakaraang taon, ngunit ito ay normal na bigat lamang para sa unang araw ng pangingisda.
Ang Deputy Chief of Fisheries Association na si Mizuhashi Kazuhito, ay ini-imbitahan ang mga taong nasa loob lamang ng kanilang mga tahanan (dahil sa pandemiya) na tikman ang kanilang seasonal delicacy.
Source: NHK World Japan
Image: Japan Times
Join the Conversation