SAITAMA (TR) – anim na mag-aaral at isang guro ang nag-tamo ng pagka-biyak ng ngipin matapos kumain ng overcooked noodles nuong pananghalian, inilathala ng pamahalaan ng lungsod, mula sa ulat ng NHK (March 13).
Nitong Huwebes, ang mga mag-aaral sa 5th Elementary School ng Asaka ay dumanas ng pag-biyak o pagka-bali ng ngipin habang kinakain ang sara udon, na may sangkap na crispy fried noodles at pinatungan ng mga repolyo at iba pang gulay.
Tatlo sa anim na estudyante ang naka-tanggap ng medical attention sa isang ospital. Habang ang iba naman ay nagkaroon ng pinsala sa loob ng kanilang bibig.
Ang sanhi ng mga naputol na ngipin ay ang matigas na noodles nang nasabing putahe, na siya namang papular sa Prepektura ng Nagasaki.
Ayon sa lungsod, ang pag-luluto ng sara udon ay tipikal na dalawa o tatlong minuto lamang. Ngunit sa kasong ito, niluto ang noodles sa loob ng 10 minuto na siya naman naging sanhi ng pag-tigas nito.
Pag-hingi ng paumanhin sa mga biktima
Sa paaralan, ang nilutong pananghalian ng mga bata ay walang instruksyon mula sa mga dietitians sa paraan at kung gaano katagal ang oras ng pag-luluto ng noodles. Bilang resulta, ginawa ng dalawa staff ang pag-luluto base sa pagtatantiya lamang.
Inaasahang humingi ng paumanhin ang mga representatives ng lungsod sa mga biktima.
Hindi lamang ito ang naging problema sa pagkain ng nasabing paaralan nitong nakaraang linggo. Nuong Miyerkules, ang mga grade 6 students ay napakain ng lumang donuts. Ito naman ay kasalanan ng mga nag-deliver ng nasabing pagkain, ani ng lungsod.
Nag-bigay ng pahayag ang lunch division ng paaaralan na “Ang pananghalian sa paaralan ay dapat kinakain ng mga bata ng walang pangamba at gagawa kami ng hakbang upang siguraduhin na ito ay hindi na muling mauulit pa.”
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation