Ang mga operator ng Shinkansen bullet trains sa Japan ay aalisin na ang isang era ngayong pag-sapit ng tag-init kapag tinanggal na nila ang mga public phones sa loob ng mga karwahe.
Ang mga unang mga telepono ay ipinakilala sa mga bullet trains nang taong 1965, at ang lahat ng mga ito ay aalisin na sa buwan ng Hunyo.
Nuong panahon na wala pang mga mobile phones, ang mga pasahero ay naka-asa lamang sa mga pay phones para sa kanilang mga negosyo, trabaho at emergencies. At dahil sa nauso na ang mga cell phones dahan-dahan nang hindi ginagamit ang mga pay phones.
At nuong Disyembre nuong nakaraang taon, nang maging posible nang magkaroon ng wireless signal maski sa loob ng mga tunnel, ipinag-pasya ng mga operators na alisin at tapusin na ang lumang teknolohiya.
At halos karamihan sa mga text news services na naka-display sa mga karwahe ng tren ay aalisin na din.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation