TOKYO — nag-salita ang Minister of Health and Welfare na si Norihisa Tamura sa isang news conference kasunod ng pag-pupulong ng gabinete nuong ika-9 ng Marso na ang bilang ng naka-raranas ng matinding allergic reaction matapos maka-tanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ay “mas mataas (sa Japan) kumpara sa Estados Unidos at U.K.”
Ayon sa Health Ministry, halos 71,000 medical workers ang naka-tanggap ng novel coronavirus vaccine mula nuong ika-8 Marso, at walong kaso ng anaphylaxis o matinding allergic reaction ang nai-ulat. Nuong ika-9 ng Marso, siyam na kaso muli ang nai-ulat. Ang mga kaso nang nakaranas ng anaphylaxis ay bumuti na ang sintomas, ngunit ayon sa regulatory authorities ng bansa, ang anaphylaxis ay lumilitaw, limang kaso kada isang milyong bakuna sa Estados Unidos at dalawang kaso naman kada 100,000 bakuna sa U.K.
Sinabi ni Tamura sa mga reporters na, “Dapat nating muling suriin ang mga impormasyon kabilang ang antas ng sintomas kung ito ay tulad ng mga kasong nai-ulat sa Estados Unidos at Europa.” Isang grupo sa Pharmaceutical Affairs and Food Sanitation Counsil ng health ministry ay naka-takdang suriin ang pamantayan ng diagnostics at margin ng kaligtasan sa U.S at Europe ngayong ika-12 ng Marso.
(Japanese original by Satoko Nakagawa, Lifestyle and Medical News Department)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation