Ang isa sa pinaka-malaking kumpanya ng electronics na Panasonic ay planong makuha ang maaaring maging pinuno ng supply chain management sa buong mundo. Ayon sa mga sources, angpag-uusap sa pag-bili ng US software firm na Blue Yonder ay malapit ng matapos.
Gumagamit ng AI ang Blue Yonder upang makita ang pangangailangan ng mga factories, warehouses at retail stores. Ito ay may 3,300 mahigit na kliyete sa buong mundo, kabilang ang Coca-cola at DHL.
Ang supply chain manager ay naging isang malaking problema sa mga negosyo simula ng mangyari ang pandemiya sanhi ng COVID-19.
Halos 20 porsyento na ng Blue Yonder ang pagmamay-ari ng Panasonic. Ito ay nakuha nila nuong nakaraang taon sa halagang 86 billion yen.
Ang kasunduan ay magiging pinaka-malaking M&A ng Panasonic dahil gumastos ito ng 800 bilyong yen upang gawin ang Sanyo Electric at Panasonic Electric Works na buong pagmamay-ari ng mga subsidiary noong 2011.
Nilalayon ng kumpanya na i-apply ang facial recognition, sensors at iba pang mga teknolohiya sa sistema ng Blue Yonder upang lumago ang kita.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation