Ikalawang kaso ng anaphylaxis, isang malubhang allergic reaction, mula sa bakuna ng Coronavirus ang nai-ulat sa bansa.
Ayon sa ministeryo, isang healthcare worker na nasa kanyang 20`s ang nagkaroon ng pantal 25 minutos matapos mabakunahan nuong Biyernes. At mayroon din na sumunod na iba pang sintomas tulad ng pag-ubo, lagnat, low blood pressure at hirap sa pag-hinga.
Ang natanggap na bakuna ng babae ay mula sa US pharmaceutical na kumpanya ng Pfizer at ang German na partner nito na BioTech.
Ang babae ay gumaling matapos maka-tanggap ng gamot laban sa kanyang allergic reaction. Ayon sa kanyang medical institution, ang mga lumabas na sintomas sa nasabing babae ay may kinalaman sa bakuna.
Hindi masabing ang babae ay may sakit na ginagamot nuon pa man.
Hinihiling ng health ministry na i-monitor ng 15 minutos matapos mabakunahan, at mahigit 30 minutos para sa mga taong nagkaroon ng severe allergic reaksyon sa nakalipas na taon.
Ang pinuno ng isang expert committee sa ministeryo na si Oka Akira ang nag-sabi na, kahit na mababa ang kalimitan, mayroon pa rin na nai-uulat mula sa clinical trials at iba pang lugar na nagkaroon o nagpa-kita ng sintomas 15 minutos matapos mabakunahan.
Ngayong Biyernes ng gabi, mahigit 46,000 na health workers ng bansa ang nabakunahan na.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation